Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 9,868 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Miyerkules.

Dahil sa naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,622,917 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Oktubre 6, 2021, ayon na rin sa case bulletin No. 571 ng DOH.

Sa naturang bilang, 4.3% pa o 112,807 ang nananatili pang aktibong kaso o patuloy na nagpapagaling.

Sa mga aktibong kaso, naman, 76.7% ang may mild symptoms, 13.9% ang asymptomatic, 5.49% ang moderate, 2.8% ang severe at 1.2% ang kritikal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kakaunti lamang ang naitala ng DOH na gumaling mula sa virus na umabot lamang sa 133.

Sa ngayon, ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa ay nasa 2,471,282 na o 94.2% ng total cases.

Dahil pa rin naman sa problemang teknikal sa COVIDKaya System ng DOH, wala pa ring naitalang COVID-19 deaths ang DOH kaya nananatili pa rin sa 38,828 ang COVID-19 death toll sa bansa na 1.48% ng kabuuang kaso ng sakit.