Pormal na naghain si incumbent Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa hinahangad nitong ikatlong termino bilang alkalde, nitong Oktubre 6.

Ayon kay Comelec officer Atty. Jehan Marohombsar, isinumite ng alkalde ang kanyang kandidatura sa local Commission on Elections (Comelec) sa lungSod, nitong Miyerkules ng umaga.

Kasama ng alkalde ang running mate na si incumbent Vice Mayor April Aguilar para sa kanyang ikalawang termino sa ilalim ng partidong Nacionalista Party (NP).

Bella Gamotea

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod