Patay ang isang 40-anyos na babae at bisitang lalaki nang pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang lalaki sa loob ng bahay ng una  sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Crisostomo Gaddi, 30, ng275 Patria St., Tondoat Jenny Amaquin, 40, ng1258 Paulino St., corner San Pedro St., Balut, Tondo.

Tumakas naman ang tatlong suspek matapos ang krimen, bitbit ang mga baril na ginamit sa pagpatay.

Naiulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang krimen ay naganap sa loob ng bahay ni Amaquin,dakong 12:50 ng madaling araw.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa salaysay ni Violeta Amaquin, biyenan ni Jenny, bago naganap ang krimen ay pauwi na siya, nang may isang sasakyan ang pumarada sa gilid ng kanilang compound.

Tatlong lalaki aniya ang bumaba ng sasakyan at kaagad na pumasok sa kanilang bahay.

Nang lalapitan na umano ni Violeta ang mga suspek upang tanungin kung ano ang kailangan ay kaagad umano siyang pinaalis ng mga ito.

Dito na napansin ni Violeta na isa sa mga suspek ang may dalang baril, kaya’t dala ng takot ay kaagad siyang nagpasyang magtungo sa Barangay 146 upang humingi ng tulong.

Gayunman, bago pa man nakarating sa barangay, nakarinig na siya ng mga putok.

Narekober naman ng mga awtoridad mula sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril at may 20 piraso maliliit na unsealed transparent plastic sachets na may bakas ng shabu.

Inaalam na rin ng pulisya kung posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay.

Mary Ann Santiago