Dating senador Joseph Victor “JV” Ejercito muling sasabak sa senado kasunod ng kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) pagka-senador nitong Sabdo, Oktubre 2.

Nagsilbing senador si Ejercito mula 2013 hanggang 2019. Muli siyang tumakbo noong 2019 midterm elections ngunit bigo itong makapasok sa Magic 12.

Anak ni dating pangulong Joseph Ejercito-Estrada sa dating alkalde ng San Juan City na si Guia Gomez, si Ejercito ay half-brother ni dating senador Jinggoy Estrada na nakatakda ding tumakbo sa senado sa Halalan 2022.

Inamin ng dating mambabatas, nung una hindi siya handa sa magkasunod na pambansang eleksyon.

Eleksyon

Giit ng Comelec sa mga naging aberya sa pagboto: 'Issues 'yan noon pa!'

“But after giving it much thought and looking into what is happening today especially with this pandemic, I felt that it is my obligation and my duty all the more to push the Universal Health Care Law,” sabi ni Ejercito.

Sakaling nahalal muli, layon niyang siguruhing maipatupad ang batas, na inakdaan niya nang siya’y nakaupo sa Senado.

Ilang dahilan ang kinonsidera ni Ejercito sa muling pagtakbo kabilang ang intension ng kanyang kapatid sa pagtakbo sa Senado.

Sa kanyang COC, nasa tiket ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si “Estrada” na napiling alias nito oara sa 2022 elections ballot.

Paliwanag nito, Estrada na ang kanyang “brand name” sa kanyang paninilbihan sa loob ng 50 taon.

“I think it’s just proper that I also use it as an alias,”sabi ni Ejercito.

John Aldrin Casinas