Mas paiigtingin ng pamahalaan ang vaccination program nito sa papasok na buwan ng Oktubre.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pagharap nito sa publiko.

Pahayag ng Pangulo, sinabi nitong nasa 55 milyong mga bakuna ang target na ma-administer o maiturok sa susunod na buwan.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa harap na rin ng ibinigay na ulat sa kanya ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na aabot sa 100 million doses ng bakuna ang inaasahang paparating sa Oktubre.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maaari na umanong palawakin ang vaccination program ng pamahalaan para sa general population at kung maaari ay sa mga menor de edad.

Beth Camia