Mukhang may planong mamahagi ng school supplies at laruan sa mga bata ,ang tinaguriang 'A Man with a Golden Female Voice na si Marcelito Pomoy, grand winner ng 'Pilipinas Got Talent season 2,' at naging kalahok sa America's Got Talent: The Champions kung saan nakuha niya ang puwestong 3rd Runner Up.

Makikita sa kaniyang Facebook post nitong Setyembre 27, 2021 ang mga kuhang litrato ng mga nakahandang school supplies na ipamamahagi sa 227 mga bata: may krayola, notebooks, lapis, papel, at marami pang iba.

"Excited… getting ready for 227 kids… Not yet complete…," ayon sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa FB/Marcelito Pomoy

Bukod sa mang-aawit, kilala rin si Pomoy bilang isang pilantropo. May hardware stores siya sa Calauag, Quezon City. Pinagagawan niya ng maliliit na bahay ang ilang mga residente at aktibo rin sa mga donation drives para sa sektor ng edukasyon at iba pa.