Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Setyembre 28.

Pangungunahan ng Pilipinas Shell ang pagpapatupad ng dagdag na0.95 sa presyo ng kada litro ng kerosene,0.90 sa presyo ng diesel at0.55 naman sa presyo ng gasolina nito.

Magpapatupad din ng kahalintulad na hakbang ang Petro Gazz, Seaoil, Caltex at Cleanfuel.

Ito ay bunsod ng pagggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Ito na ang ikalimang sunod na oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Nitong Setyembre 21, huling itinaas sa 0.85 ang dagdag-presyo ng kerosene at 0.80 naman sa presyo ng gasolina at diesel.

Bella Gamotea