Mukhang inlove na inlove na ang isang Rico Blanco kay Maris Racal.

Katunayan, hindi siya naghesistate na aminin sa interview niya sa "Cristy Ferminute" na si Maris na nga ang kanyang soulmate.

Tinanong ng hose na si Cristy Fermin ang 48-year-old na musicians kung ano ang pakiramdam na nakakajive niya ang isang tao.

“Actually, nagulat po ako,” ani Rico.“Hindi ko na-imagine na merong… tunog cliche, akala ko po talaga… hindi ko ine-expect talaga na mayroong ganung tao na darating sa buhay ko na parehong-pareho kami.”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“No offense po sa mga dati kong girlfriend, mga kasundo ko rin po sila lahat, kaya lang po, ibang level po ito (with Maris). Parang sobrang minsan nakikita ko po yung sarili ko sa kanya. Kung ano po yung mga happiness niya or kahit mga pinoprobelma niya, tatawa na lang ako. Ta’s sabi niya ‘Ba’t ka tumatawa, namomroblema na ko?’ Sabi ko ganyan na ganyan din ako mamroblema.” paglalahad niya.

Ayon pa kay Rico, hindi niya ramdam ang kanilang age gap.

Stephanie Bernardino