"Red light, green light"

Ilan sa mga katagang tumatak agad sa mga manunuod ng Korean series na Squid game. Umiikot ang series na ito sa 456 na players na kung saan maglalaro sila ng mga "deadly" children game at kung sino ang matira ay mananalo ng 45.6 billion won o 2 billion pesos.

Hindi lamang ang series na ito ang usap-usapan sa social media, kung hindi pati na rin ang Pinoy actor na si Chris Lagahit o mas kilala bilang Chris Chan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Chris ay isang 35-year-old na Filipino actor at English teacher na nakatira sa South Korea. Ginaganapan niya ang Player 276 sa naturang series. 

"Player #276 reporting to Studio C" aniya sa kanyang Instagram na suot-suot ang kaniyang green uniform na costume. 

Chris Chan/IG

Hindi lamang siya lumabas sa Squid Game pati na rin sa ilang mga Korean movies na "Space Sweeper" at "The Negotiation." Lumabas na rin siya sa mga bigating Korean series na“Crash Landing On You,” “The King: Eternal Monarch,” “Itaewon Class,” “Her Private Life,” at “My ID Is Gangnam Beauty.”

Diba! Bigatin!

Kaya naman ang mga fans ay todo stalk din sa kanyang Instagram account dahil makikita roon ang mga behind the scenes at mga ilang aktor sa Squid Game.

Chris Chan/IG

"Player 276 and Player 199 of Squid Game! Ladies and gents, meet my recruiter my dear friend and bro @sangipaiya aka Ali in Squid Game!" aniya sa kanyang Instagram post.

Kasama naman niya ang isa sa mga kontrabida sa Squid Game.

Chris Chan/IG

"Raise your hand if you hate him in the drama series "Squid Game"Hate his character but not him coz he's one of the coolest and nicest Korean actors I met, Heo Sung Tae aka Jang Deok Soo or Player 101," caption niya sa Instagram.

Syempre, kasama rin niya ang sinasabing "favorite" ng ilan sa mga manunuod.

Chris Chan/IG

"I'm sure she's also one of your favorite characters in Squid Game, Jung HoYeon aka Kang Sae-byeok."

Is he really living the Kdrama life? Fighting, ahjussi!