Isa sa mga naging proyekto ni Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso sa kaniyang pagkakaupo bilang alkalde nito ang paglilinis sa ilang mga 'dugyot' na lugar sa kabisera ng Pilipinas. Isa na rito ang Lagusnilad Underpass na nagkokonekta sa Manila City Hall at papasok sa Intramuros, at iba pa.
Ngunit viral ngayon sa Facebook ang ibinahagi ng netizen na si Edwin Jamora, matapos niyang ipakita ang ipinadala umanong mga kuhang litrato ng isa sa mga followers niya, sa sitwasyon naman ng Lawton Underpass as of September 22, 2021.
"LAWTON UNDERPASS AS OF TODAY 9/22/21 PIC TAKEN BY ONE OF MY FOLLOWERS WHO WENT TO THE BIR AND PASSED BY THIS PLACE," ani Edwin sa kaniyang Facebook post.
"So, what happened to all the fanfare ni Isko nito? Di ba nilinis niya to with all the camera and pretty nice write-up by the Yellow and Communist media?"
"Ang Lawton Underpass pala ay sampayan na ng mga brip. Hahahaha! Amf*ta! Tapos gusto maging Presidente?! Tse!" huling pahayag niya.
Samantala, as of this writing ay wala pang tugon si Yorme Isko o kahit na sinong opisyal ng Maynila hinggil sa isyung ito.