Mukhang balak tumakbo para sa isang local position sa Oriental Mindoro ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon, sa darating na eleksyon 2022.

Malaki na nga ang iginanda ng showbiz career ni Ejay, simula nang manalo siyang Big Winner sa Pinoy Big Brother noong 2008. Nagkaroon pa siya ng sariling teleserye na may pamagat na 'Sandugo' sa ABS-CBN kasama sina Aljur Abrenica, Cherie Pie Picache, at Vina Morales.

Makikita sa mga Facebook posts ng aktor ang kaniyang mga pahiwatig ng panawagan sa mga kababayan, na mangyaring suportahan siya sa anumang direksyon na nais niyang tahakin ngayon, na para sa kaniyang mga kababayan.

Aniya sa isang video, “Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon, ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan niyo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang bahagi ng video na ito, muli siyang nagpakilala sa lahat.

“Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi niyo ako tingnan bilang artista. Tingnan niyo ho ako bilang kababayan niyong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo.”

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Ejay Falcon

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Ejay Falcon

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Ejay Falcon

Sa bagong Facebook post ni Ejay, ipinakita niya ang throwback photos niya bilang isang kargador, na naging trabaho niya noong hindi pa siya sikat, upang matulungan ang kaniyang pamilya.

“Mapagpalang araw po mga kakampi-kababayan. Share ko lang po. 15 years ago, isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa school. Sako-sako ng kopra ang binubuhat ko kasama ang aking mga kaibigan bilang ito ang isa sa pangunahing hanapbuhay samin sa Bacawan, Pola, Oriental Mindoro," kuwento niya.

"Nakakatuwa pag nakikita ko ang mga pictures ko noon dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago sa akin kundi pati buhay at pagkatao ko. Isa itong paalala kung gaano ako ka-blessed sa buhay dahil sobra-sobra pa sa pinangarap ko ang pinagkaloob sa akin, kaya kahit papaano sa abot ng aking makakaya ay pinagsisikapan ko na tumulong ma-bless din ang ibang tao sa aking sariling pamamaraan."

"Sana naiinspire ko ang mga kapwa ko Mindoreño lalo na ang mga kabataan na patuloy na magpursige para umasenso sila sa buhay. Huwag matakot mangarap, Dahil sa PANGARAP NAG-UUMPISA ANG TAGUMPAY." turan ni Ejay gamit ang mga hashtags na #KayaMoYan at #ProudMindoreño.

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Ejay Falcon

Batay sa comment sections ng kaniyang FB posts ay mukhang positibo naman ang pagtanggap ng kaniyang mga kababayan sa anumang balakin ni Ejay.

Ang pagsisimula ng filing of candidacy ay sa buwan ng Oktubre.