Ilang araw na lamang bago ibunyag ng opposition coalition ang endorsement para sa presidential candidate nito sa Mayo 2022 national elections, ayon kay 1Sambayan convenor Etta Rosales.

1Sambayan convenor Etta Rosales (Screenshot from Zoom meeting)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang virtual press conference bago ang ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos, pinangalanan ni Rosales ang dalawang "favorites" para sa puwesto.

“Kung titignan mo lamang, sa mayorya ng mga sectors within (1)Sambayan, malakas yung…hindi sila isa lamang ang gusto. It’s also divided. Pero malakas yung mga pro-VPL, Vice President Leni [Robredo], pero mayroon ding [Manila Mayor] Isko [Moreno] na lumalabas doon," ani Rosales nitong Lunes, Setyembre 20.

Tungkol sa anunsyo ng coalition, ayon kay Rosales: “It’s just a matter of days. And it’s going to be internal that it’s going to be just an endorsement muna becausefrankly…frankly, the politicians have got to get their acts together.”

Hinimok niya ang mga kabataan na sabihin ang kanilang naiisip sa social media tungkol sa paparating na botohan, sinabi niya na nakikinig ang mga politiko kung sapat na malakas ang boses.

“Alam niyo yung mga politko nakikinig yan eh…ilabas ninyo ang boses ninyo, ang tinig ninyo and let it reverberate into the different sectors. May pag-asa pa rin tayo," ani pa ni Rosales.

Binigyang-diin ni Rosales na ang magagawa lang ng 1Sambayan ay mag-endorso ng mga kandidato.

“Within this month, inaayos na namin. It’s going to be a matter of days…But it’s just going to be an endorsement because we cannot come up with somebody, halimbawa, hindi naman pala siya tatakbo,"

“It’s a crazy world, but this is something that we are tackling within our own internal surveys,” aniya.

Ellson Quismoio