Viral ngayon sa TikTok ang video ng isa sa mga episode ng noontime show na 'It's Showtime' nitong Setyembre 17, 2021, kung saan tila may pinariringgan umano ang isa sa mga hosts nito na si Unkabogable Star Vice Ganda.

Ayon kay Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog, hula hoops ng mga netizens na ang pinariringgan ni Vice ay walang iba kundi si Ate Gay, na kamakailan lamang ay dumaan sa isang pagsubok na may kinalaman sa kaniyang kalusugan.

Nakausap mismo ni Ogie si Ate Gay, at nagpahatid umano ito ng sorry kay Vice.

"Uy, pakisabi naman kay Vice I'm very very sorry… hindi ko na uulitin…" ani Ate Gay.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Vice Ganda, Ate Gay, Petite, at Ogie Diaz (Screenshot mula sa YT)

Ang naging pahayag kasi ni Vice ay tungkol sa ginawa niyang pagtulong sa isang taong nangangailangan, at ang pagtulong na iyon ay hindi umano nangangailangan ng acknowledgement, kundi appreciation lamang.

"So, tinulungan niya itong taong ito at naloka siya, para siyang na-hurt, dahil ipinost yung itinulong niya, so siya pa yung nabira…" ani Ogie.

Si Ogie Diaz umano ang naglapit kay Vice na matulungan si Ate Gay, bilang pareho naman sila ng industriyang pinagmulan, ang pagpapatawa sa comedy bars. Naappreciate umano ni Vice ang paghingi ng paumanhin ng komedyante, subalit nakiusap ito na sa susunod, maging mas maingat na si Ate Gay sa pagbibitiw niya ng mga salita, pag-isipan ang mga bagay na ipo-post niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/10/ate-gay-nilista-ang-halaga-ng-perang-binigay-sa-kanya-ng-mga-artistang-tumulong-pang-supalpal-sa-basher/

Na-bash umano si Vice kung bakit ₱20,000 lamang ang kaniyang naibigay na tulong.

Vice Ganda – Manila Bulletin
Vice Ganda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

AteGay – Manila Bulletin
Ate Gay (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Sa ngayon ay mukhang wala namang masamang tinapay na sa pagitan nina Vice at Ate Gay.