Layong mapalakas ang testing capacity ng bansa laban sa coronavirus disease (COVID-19), pormal na binuksan ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Sabado, Setyembre 18 ang ika-14 na molecular laboratory sa Cotabato City.

Ang pinakabagong dagdag sa molecular laboratories ng PRC ay mayroong dalawang polymerase chain reaction (PCR) machines at isang ribonucleic acid (RNA) extractorna kayang makapagprosesong hanggang 2,000 tests sa isang araw.

Naitayo ang bagong molecular laboratory sa pakikipagtulungan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa PRC upang mapalakas ang testing capacity sa mga probinsya ng Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato at Davao City.

“I would like to thank the International Committee of the Red Cross for this partnership in defeating COVID-19,” sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Gordon, ang kasalukukuyang testing capacity ng Cotabato Regional and Medical Center ay nasa 200 tests lang sa isang araw.

“The new Molecular Laboratory will further hasten our COVID-19 response and can test up to 2,000 tests per day,” paliwanag ni Gordon.

Dinaluhan ni Gordon, kasama sina RC Secretary General Elizabeth Zavalla, PRC Cotabato Chairwoman Bai Fatima P. Sinsuat, Mayor Frances Cynthia J. Guiani-Sayadi at ng iba pang executives mula sa PRC at mula Cotabatolocal government unit ang inagurasyon ng bagong-tayong molecular laboratory.

Samantala, binigyan-diin ni Gordon ang kahalagahan ng “regular testing to beat this invisible enemy.”

Matatandaan na binabaan ang presyo ng COVID-19 testing ng PRC para mas maging accessible ito sa publiko. Ang Reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing at saliva tests ng PRC ay nagkakahalaga ng 3,800-2,800 at 2,000-1,500.

Patuloy din ang ang pagpapalakas ng PRC sa vaccination efforts nito sa buong bansa sa mga programaNG “Bakuna centers" at “Bakuna Buses” na nakapagbakuna na ng higit 217, 808 indibidwal.

Merlinda Hernando-Malipot