Tumaas pa nang bahagya ang COVID-19 reproduction number o bilis ng hawaan sa National Capital Region (NCR), na nasa 1.42 na ngayon mula sa dating 1.41 lamang nitong nakaraang linggo, ayon sa OCTA Research Group.

Inihayag ni OCTA Fellow Dr. Guido David, naitala rin sa NCR ang 5,958 average na arawang kaso sa Metro Manila habang ang growth rate sa rehiyon ay nasa 19%.

Nitong Setyembre 11 kung kailan nakapagtala ng pinakamataas na rekord sa bagong kaso, nabatid na umabot sa 9,061 kaso ang naitala sa rehiyon.

“This is very serious. 9,061 is a record for the NCR,” pahayag pa ni David, sa Twitter.

Probinsya

Rizal Gov. Ynares, ipinag-utos masusi, agarang imbestigasyon sa gumuhong landfill

Samantala, sa mga lungsod naman sa buong bansa, nangunguna ang walong siyudad sa Metro Manila ang may pinakamatataas na bagong kaso.

Kabilang ang Quezon City sa may pinakamaraming kaso na 1,449, kasunod ang Maynila na may 892, Caloocan City (869), Pasig City (748), Taguig City na may 642, Paranaque na may 547, Makati na may 534, at Valenzuela na may 439 kaso.

Sa mga lalawigan naman,  pinakamataas ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Cavite na nasa 1,821, kasunod ang Laguna na may 1,821, Rizal (1,308) at ikalima ang Bulacan na may 1,115 kaso. 

Mary Ann Santiago