Bilang suporta sa original Pinoy music (OPM), inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) ang nakatakdang pag-aaral nito sa Philippine music industry sa tulong ng National Research Council of the Philippines (NCRP).

Tugon din ito ng DOST sa panukalang batas sa Kamara, ang House Bill No. 8101 na inihain ni Pangasinan 4thDistrict Representative Christopher “ Toff” de Vencia para pangalagaan at pagyamanin pa ang creative economy, kung saan nakapaloob rito ang musika at pagtatanghal.

Pangungunahan ni Dr. Ma. Alexandra I. Chua, miyembro ng DOST-NRCP Division of Humanities ang naturang pag-aaral.

Ang three-year policy research “Musika Pilipinas: Research and Mapping Towards Understanding, Scoping and Defining the Philippine Music Industry" ay naglalayong makapag-ambag ng comprehensive baseline sa economic performance nito sa bansa, kabilang ang mga players, transactions, at creative production dynamics.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Hangarin din ng pag-aaral na matukoy ang mga pagsubok ng industriya bilang epektibong pagbabatayan para maisulong mas masiglang Philippine music industry.

Kabilang sa mga makikinabang sa proyekto ang mga young talented artists, music agents, promoters at managers, professional artists, managers and producers, cultural policy makers and executives, allied personnel at ang malamyang music ecosystem sa bansa.

Sa pamamagitan ng pag-aaral, ilang potensyal na epekto ang mapapansan kabilang na ang sense of pride sa OPM sa mga Pilipino, seguridad sa trabaho sa hanay ng mga musikero, producers, at music managers at ang economic growth.

Sa pagsulpot ng kabi-kabilang music streaming platforms, di na mapigil di ang kasikatan ng ilang musikang Pilipino kung saan umaabot na ito sa international arena.

Nitong Abril ngayong taon, ang SB19 ng Pilipinas ang tangi at kauna-unahang Southeast Asian act na makasaysayang naging nominado sa Billboard Music Awards sa kategoryang Top Social Artist.

Ang five-member group na naghahatid ng bagong tunog sa industriya ay patunay lang sa malaking potensyal ng industriya sa labas ng bansa.Sa sapat na suporta ng pamahalaan, hindi malayong pasukin ng grupo kabilang ang marami pang musikerong Pilipino ang international music scene.