Nagtala ng magnitude 4.9 na lindol sa bahagi ng Negros Occidental ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong hapon ng Linggo, Setyembre 5.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay namataan 55 kilometers (km) northwest of Sipalay City, Negros Occidental nitong ika-5 ng hapon.

Sa pagsusukat ng ahensya, Intensity II ang naitala sa Bago City, Negros Occidental habang Intensity I naman sa La Carlota, Negros Occidental.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Larawan mula sa Phivolcs

Dagdag ng Phivolcs, walang aasahang malakas na aftershock kasunod ng naturang pagyanig sa lupa.

Ellalyn De Vera-Ruiz