Ibinahagi ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang mga sikreto at routine sa likod ng kapansin-pansin niyang ‘healthy and well-maintained’ curls.
Sa panayam ni Co sa One News noong Miyerkules, Marso 11, inilatag niya ang sinusunod na ‘curly girl method’ para mapanatiling ‘well-maintained’ ang kaniyang mga kulot.
“Alam n’yo po ba ‘yong ‘curly girl method?’ Matagal na ‘to pero sa Pilipinas, parang naging established siya, 2020, pandemic. Bale, may paglista kasi ng mga produkto na ‘yon ‘yong dapat wala sa gagamitin mong shampoo ang conditioner,” paliwanag ni Co.
Una niyang practical method ay dapat walang “sulfate” ingredient sa shampoo na gagamitin dahil nakasisira daw ito ng buhok, at para sa conditioner, “dimethicone” ingredient naman ang dapat iwasan dahil mas nagiging oily ang buhok dito.
“Pag magsha-shampoo ka, dapat walang sulfate. Sulfate is harsh on your hair. Di ako puwedeng mag-mention ng brand pero may shampoo brands out there na cheap, walang sulfate,” ani Co.
“Tas sa conditioner, wag mag-dimethicone. Dimethicone wraps your hair. Diba silky ‘yong feeling after mong mag-conditioner pero pag may dimethicone, ano ‘yan, may plastic, thin film na sinu-surround ‘yong buhok mo. Ang response ng buhok mo, mag-produce ng more oil. Dahil do’n mas nagiging oily ‘yong buhok mo,” dagdag pa ng kongresista.
Ibinahagi rin niya na mahalagang binabasa ang label sa pagbili ng produkto sa buhok.
Kaya sa hair gel din na gagamitin, payo niya na importante na wala itong alcohol dahil nakaka-dry daw ito ng buhok, na nagdudulot para magbuhaghag ito.
“‘Yong gel mo dapat walang alcohol. Alcohol is drying so ang effect niya is magfi-frizz ‘yong buhok mo. May gel brands din out there na very accessible, ends with ‘H,’ payo ni Co.
Ang personal tips daw na ito ang kaniyang ginagawa bago magtrabaho at pumunta sa tips upang magpatuloy sa pakikibaka.