Nais ni Sen. Christopher “Bong” Go na aktibahin ang Senate and House of Representatives oversight function para labanan ang katiwalian sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Sa isang payam sa DWIZ kay Go, magagawa lamang umano ito kungmailalakip ang isang clause sa 2022 national budget na pumapayag na masuri ng mga mambabatas paanong ginasta ang pondo ng bayan lalo na sa panahon ng pandemya.

Dagdag pa ni Go, sa ngayon ay takot umano ang mga opisyal ng mga ahensya ng gobyerno na humarap sa mga congressional hearings dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon o hindi maayos na paggasta sa mga pondo.

Kamakailan lang, inimbestigahan ng Senado sa pangunguna ni Senate Blue Ribbon Committee Sen. Richard Gordon ang “syndicated” P42 bilyong-halagang overpriced medical supplies na dumaan sa Procurement Service Department of Budget and Management (PS-DBM).

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nasasangkot sa isyu ang resigned PS-DBM chief Lloyd Christopher Law, isang abogado at residente galing Davao.

Nauna nang itinanggi ni Go na dati niyang aide si Lao.

Iginiit din ng mambabatas na premature pa umano ang hybrid public hearing sapagkat hindi pa pinal ang ulat ng Commission on Audit (COA) ukol sa P68 bilyon na pondo para sana sa coronavirus diease(COVID-19) response sa bansa.

‘’Ang nangyari ngayon nagagamit ng politika, nagagamit sa paninira, sinakayan na po ng lahat. Tandaan nyo po ang sinabi ko ...pagkatapos po ng COA findings, by October 8, halos lahat po ng nagparticipate dyan lahat po ng tumira dyan may involvement sa election,” sabi ni Go.

Doon niyo lang makikita kung sakaling mahaluan ng politika. it’s about timing lang po, pero tayo isa tayo dito laban ng korapsyon. Ulitin ko parating sinasabi ni Pangulo at sabi ko sa privilege speech ko mag may kasalanan po kahit sino ka pa, kahit saan ka nangaling, kahit galing sa Davao, panangutin po,” dagdag ni Go.

Mario Casayuran