Iniulat ni Manila Mayor Isko Moreno na umabot na sa mahigit dalawang milyong COVID-19 vaccines ang nai-administer nila sa lungsod.

Ito’y kahit pa napilitan silang itigil ang pagbabakuna sa siyudad nitong Miyerkules ng hapon bunsod nang problemang teknikal sa kanilang online system.

Ayon kay Moreno, nakapag-deploy na ang lokal na pamahalaan ng 2,009,171 bakuna simula noong Marso hanggang nitong alas-6:00 ng gabi ng Setyembre lamang.

Sa naturang bilang, 1,265,473 aniya ang naiturok bilang first dose at 792,505 naman ang second dose.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ikinatuwa naman ito ni Moreno at nagpasalamat sa mga residenteng nakinig sa mga pakiusap nila ni Vice Mayor Honey Lacuna na magpabakuna na upang maprotektahan sila laban sa COVID-19.

Samantala, nitong Huwebes ay tuloy naman nang muli ang vaccination activities sa Maynila at inanunsyo ng lokal na pamahalaan na tumatanggap na silang muli ng walk-in vaccinees sa ilang piling vaccination centers.

Una na rin namang sinabi ni Moreno na maaari na ring magpabakuna sa Maynila maging ang mga taong hindi residente sa lungsod.

Mary Ann Santiago