Sa Facebook post ni Irene Tesoro, kapatid ni Mahal, kinumpirma ang pagpanaw ng sikat na komedyante.

Screengrab sa Facebook post ni Irene Tesorero

“Ang aming kapatid na Mahal ay pumanaw na. Wala pang schedule sa kanyang burol due to COVID restriction,” paglalahad nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nakilala si Noemi "Mahal" Tesorero sa larangan ng showbiz bilang sikat na katambal ni Mura. Madalas silang mapanuod noon sa ilang programa telebisyon bilang mga actor at host. Lumabas din ang dalawa sa ilang pelikula.

Unang pinagtambal si Mahal at Mura noong 2003 sa isang noontime variety show kung saan nagbihis pambabae ni Mura upang maging kakambal ni Mahal.

Kamakailan lang, sa Youtube upload ni Mygz Molino nitong Agosto 14, ikinaantig ng publiko ang muling pagkikita ng sikat na tandem.

Samantala, umulan naman ng pakikiramay ang ilang malalaking Facebook communities kabilang ang Facebook page ni Senyora at Bekimon.

Pumanaw sa edad na 46 taong-gulang ang popular showbiz personality.