Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ang utilization rate ng intensive care unit ay nasa kasalukuyang "high risk level", ayon sa health official nitong Lunes, Agosto 30.
“The hospital utilization rate across the country is roughly about at moderate risk, that’s about 67 percent,” ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega sa kanyang panayam sa CNN Philippines.
“We have a high risk position for the intensive care unit at 72 percent,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga high risk levels ayon sa kanilang healthcare utilization rates (HCURs) ay ang mga Region 2, 3, 10, at Calabarzon. Ang ibang rehiyon naman kabilang ang National Capital Region (NCR) ay nasa moderate risk na 67 na porsyento.
“One of the things that we should be doing right now is ramping up isolation facilities and even step down care for the hospitals so that they could easily decongest the hospital beds needed for COVID patients,” ani Vega.
Nakapagtala ng karagdagang 18,528 nitong Linggo, Agosto 29-- pangalawa sa pinakamataas na single-day record na naitala simula noong Marso 2022.
Jhon Aldrin Casinas