Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng mga netizens ang mga parinig at patutsadang cryptic Instagram post ng Kapamilya actor na si Janus del Prado pahinggil kay "G" na hula ng marami, ay walang iba kung hindi ang aktor na si Gerald Anderson.

Nagsimula ang mga cryptic posts ni Janus nang magsabi si Gerald na sana raw ay magkapatawaran na sila ng dating karelasyong si Bea Alonzo, na masaya na ngayon ang love life sa piling ni Dominic Roque.

Naging sunod-sunod ang mga parinig ni Janus sa IG. Bagama't mga inisyal lamang ng pangalan ang binabanggit niya, hindi naman siguro ipinanganak kahapon ang mga netizens para hindi matukoy na si Gerald Anderson nga ang pinariringgan niya, at ang ipinagtatanggol naman niya ay si "B" o ang kaibigang si Bea Alonzo.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/janus-del-prado-may-pa-blind-item-at-patutsada-sa-ginawang-kalokohan-ni-gerald-kay-bea/">https://balita.net.ph/2021/08/24/janus-del-prado-may-pa-blind-item-at-patutsada-sa-ginawang-kalokohan-ni-gerald-kay-bea/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa sa mga ibinuking ni Janus ang namagitan umano sa pagitan nina "G" at "P" sa set ng pelikulang "MPY," at ang pagbuo umano ng trolls ng kampo nina "G" at "J" para siraan siya. Nakatatanggap din umano si Janus ng "death threats."

Ayon sa panayam ni Mama Ogie Diaz kay Janus sa kaniyang vlog, sinabi ni Janus na pagdating sa kaibigan ay talagang "makikipagpatayan" siya. Ang pagiging sawsawero umano sa lahat ng isyung kinasasangkutan ng mga mahal na kaibigan ang tanging magagawa niya para sa mga ito, lalo na sa mga bashers.

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz

“Mahal na mahal ko sila dahil napakatotoo nilang tao, kilala mo rin naman sila, hindi ka so-showbizin ng mga ‘yan. At kahit hindi mo sabihing may pinagdadaanan ka, matik alam nila," pahayag ni Janus.

“Hindi laging about money, ‘yung tawag lang para kumustahin ka, malaking bagay ‘yun para sa atin. ‘Yung alam mong hindi taping friends na magka-trabaho lang kaya magkaibigan, hindi ganoon," dagdag pa ng aktor.

Masuwerte umano siya sa mga nagiging kaibigan niya sa showbiz.

"Ang suwerte ko sa mga kaibigan ko kasi wala akong masyadong mai-offer, eh. Hindi ako mayaman, hindi naman ako sikat, hindi ako influencer na tao, so ang ano ko (tulong) na lang kapag may umagrabyado siyempre ipagtatanggol ko, nando’n ako!”

Palagay niya, kaya siya tinawag na sawsawero ay pawang mga sikat ang mga kaibigan niya. Pakiramdam umano ng mga bashers ay nakikisakay lamang siya sa isyu para pag-usapan siya, bagay na wala namang katotohanan. Wala raw siyang pakialam kung sikat siya o hindi.

“Walang nag-uutos sa akin (ipagtanggol sila), may mga nagsabi nga na binayaran daw ako, nasaan ang resibo? Ako marami akong resibo hindi ko lang inilalabas!” saad pa ni Janus.