Maaga pa para tuluyang ibalik sa granular lockdown ang Metro Manila habang mataas pa rin ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa OCTA Research nitong Biyernes, Agosto 27.
“One of the things we struggle in a large city like [Metro] Manila is we cannot really control mobility in the way that if you have an ECQ [enhanced community quarantine] in smaller LGUs [local government units] say Cagayan de Oro or one of the smaller cities in one of our provinces, it is much easier for them to control the movement of 500,000 to 800,000 people than to control 14 million people,”sabi ni molecular biologist and OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco sa One News.
Para sa eksperto, kinakailangan pa rin ang centralized lockdowns para mapigil ang paglobo ng kaso sa bansa.
Sinegundahan ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David ang pangamba ni Austriaco at sinabing maaaring “risky decision” kung ibabalik sa granular lockdowns ang Metro Manila.
“Maybe we could wait two more weeks at least for the cases to subside if that’s what we are projecting to happen. At least when cases are subsiding it will be easier because the momentum is now on a downward trend,”paliwanag ni David.
Ayon kay David, bumaba mula 1.9 hanggang 1.46 ang reproduction ng COVID-19 sa Metro Manila.
“The number of cases will take some time, usually three to four weeks before we see a decrease. Ibig sabihin [It means that] three to four weeks after the start of ECQ or after Aug. 6,” sabi ni David.
Sa datos ng OCTA, maaaring bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa una at ikalawang linggo ng Setyembre.
“We are not against the granular lockdowns but maybe we could just wait a little longer before we move into that quarantine classification,”paglilinaw ni David.
Nauna nang inatasan ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang lahat ng police commanders na makipag-ugnayan sa mga LGU para paghandaan ang posibleng pagpapatupad ng granular lockdowns.
Ellalyn De Vera-Ruiz