Sinimulan na ng Kamara ang deliberasyon ng panukalang P5.024 trilyong pambansang budget para sa 2022.

Ang unang araw ng pagbusisi at pagtalakay sa budget ay itinuon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC), na binubuo ng Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Siniguro ni Speaker Lord Allan Velasco sa publiko na susuriin at hihimayin nila nang husto ang national budget, lalo na at ito ay naglalaman ng roadmap ng gobyerno sa COVID-19 response.

“We, in the House of Representatives, are all set to carry out our constitutional duty of carefully scrutinizing the P5.024-trillion national budget, which includes an allocation of at least P240.75 billion for COVID-19 response,” sabi ni Velasco.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Una rito, ipinaalam ng DBM na ang malaking bahagi ng pambansang budget ay ilalaan sa social services (P1.922 trilyon) o 38.3 porsiyento samantalang ang economic services ay bibigyan ng P1.474 trilyon.

Ang General public services ay tatanggap ng P862.7 bilyon o 17.2 porsiyento; mga utang o debt burden ay P541.3 bilyon o 10.8 porsiyento at defense spending ay P224.4 bilyon o 4.5 porsiyento. 

Bert de Guzman