Humingi ng paumanhin ang artistang si Enchong Dee tungkol sa kusasyon niya laban kay Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Party-list Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista.

"The money for commuters and drivers went to her wedding. Let's not prolong this conversation and don't say otherwise," ang bahagi ng binurang tweet ni Dee.

Humingi naman ang aktor ng kapatawaran sa nasabi nito, "I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgment."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan: screenshot mula sa tweet ni Enchong Dee

Humingi rin ito ng tawad sa asawa ng kongresista na si Jose French “Tracker” Lim, gayundin sa pamilya nito, at sa DUMPER Party-list.

Natangay lamang aniya ito ng simbuyo ng kanyang damdamin kaya nailabas niya ang nasabing pahayag.

"I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions," ani Enchong.

Matatandaang isa si Enchong sa ilang artista at netizens na bumatikos sa engrandeng kasal ni Bautista. Ani ng netizens, 'insensitive' umano si Rep. Bautista dahil nagawa nitong gumastong nang malaki sa gitna ng pademya gayong representante siya ng masa.

Basahin: Sino nga ba si PUV driver party list Claudine Bautista, na binatikos sa kanyang bonggang wedding?

Kaugnay nito, hinikayat ni Enchong na ugaliin ang mag-fact-check ng mga pahayag para maiwasan ang pagkalat ng fake-news.

"I learned that as dutiful citizens, we must always fact-check our statements to avoid sensationalism and the spread of false news," ani Enchong.