Hindi umano sangkot siOverseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Usonsa umano’y kaduda-dudang mga gastos ng ahensya na nagkakahalaga ng₱1.2 milyon nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila nitong nakaraang taon.

Ito ang paglilinaw ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at binanggit ang ulat ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing hindi magkakatugma ang impormasyon sa paggasta umano ng ahensya mula Marso hanggang Hunyo 2020.

“With regard to news articles relating to the COA audit on P1.2 million worth of hygiene kits, food and other supplies for pandemic operations in FY (fiscal year) 2020, I humbly put forward the following,”sabi ni Cacdac.

“The COA finding is not yet final. Deputy Administrator Faustino Sabarez III, who headed our ground operations at the height of enhanced community quarantine or ECQ in March-June 2020, is given a chance to explain his side and liquidate his cash advance,”dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakalaan aniya ang₱1.2 milyon para sa pagbili ng operations-related supplies at “hindi nagmula sa OWWA trust fund, kundi sa General Appropriation Act.”

Larawa mula Facebook page ng OWWA

“It is also within the context of the COA external audit of OWWA’s P8.9 billion expenditures for FY 2020, where OWWA received an unqualified opinion highest standard from the COA.As we go through the COA process of explaining the operational expenditure of P1.2 million, I humbly seek your patience and understanding,” apela ni Cacdac sa publiko.

“Lastly, I wish to emphasize that Deputy Administrator Mocha Uson is not, in any way, involved in this isolated transaction,” paniniyak pa ng opisyal

Isa namang "BubsieSabarez" na dati umanong opisyal ng barangay sa Quezon City ang nasa balag ng alanganin dahil na rin sa usapin.

Ito matapos maging coordinator si Sabarez para sa hotel accommodations at transportation ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na pinabalik sa bansa mula Marso hanggang Hunyo.

Tinanggal na rin umano siSabarez bilang coordinator.

Ariel Fernandez