Paglilinaw ng Malacañang, wala umanong pagbabanta si Pangulong Duterte laban sa Commission on Audit (COA) kasunod ng audit report nito ukol sa “deficiencies” ng P67.3-B fund ng Department of Health (DOH).

Pinaliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque na patuloy na kinikilala ng Pangulo ang COA bilang malayang kinatawan ng Konstitusyon at nais lang nito na iwasan ang pagbubunyag ng mga preliminary observations para hindi na magdulot ng kalituhan sa iregularidad ng mga ahensya.

Para kay Roque, ang pinal na ulat ang isapubliko para maging basehan ito ng pagsampa ng kaso sa korte.

"I don’t think he made any threat. He expressed frustrations,”sabi ni Roque.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I guess ang sinasabi lang ni Presidente frustrated siya kasi ang basa ng taumbayan sa initial observations eh mayroon nang condemnation. Eh hindi naman po ganoon ang proseso kasi pati sa COA alam nila na initial observations – sasagutin tapos saka sila magkakaroon ng final report,” dagdag ng tagapagsalita.

Ani ni Roque, kapag isasapubliko ang isang preliminary COA report, hindi makatarungan umano ang tingin ng publiko sa nasasangkot na ahensya.

“Siguro ang gusto mangyari ni Presidente, huwag muna isapubliko ang preliminary observations na hindi pa naman nasasagot ng ahensya,” sabi ni Roque.

“Talaga naman pong obligasyon ng COA na gumawa ng final report on an annual basis eh siguro iyon talaga ang dapat i-publicize,” dagdag niya.

Nitong Lunes, Agosto 16, hiniling ni Pangulong Duterte na itigil ang “flagging” sa mga kakulangan sa mga ahensya ng gobyerno.

“Stop that flagging, goddammit. You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging,”sabi ng Pangulo.

"Huwag naman sige kayong flag nang flag. Tapos wala namang napreso, wala naman lahat,” dagdag ni Duterte.

Sinigurado naman ng DOH na tinutugunan na nila ang ulat ng COA.

Genalyn Kabiling