Kinumpirma ni Daisy Cabantog o mas kilala bilang si “Madam Inutz” sa kaniyang Facebook live na bumitaw na siya sa talent agency na Star Image Artist Management ngayong Linggo, Agosto 15.

"Umalis na ako sa Star Image dahil na rin sa inyo at dahil na rin sa pamilya ko," pagkumpirma ni Daisy.

Larawan: Daisy_licious Ukay (screenshot)

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pagbabahagi niya, sa dami ng nangyari sa kaniya, na-overwhelm siya kung kaya ay hindi na napag-isipan ang desisyon na kaniyang ginawa.

Gayunman, bago niya gawin ang pagbitaw sa Star Image Artist Management, kinonsulta muna niya ang kaniyang pamilya at ang mga taong malapit sa kaniya.

Ayon sa kaniya, may abogado na nagmagandang-loob sa kaniya para siyasatin ang kontrata niya sa Star Image.

"… May nag-suggest sakin na manghingi ng kopya (ng kontrata), i-review yung kontrata. So ngayon pina-review ko ang kontrata…" ani Madam Inutz.

Aniya, walang expiration ang kontrata. Kahit na nagkasundo sila ng apat na taon ngunit wala namang nakalatag na plano at mga projects para sa kaniya na siya namang kailangan niya para kumita.

Dagdag pa ni Daisy, kinuha ng Star Image ang kaniyang cellphone number at ito na mismo ang sumasagot sa mga tumatawag sa kaniya na napag-alaman niyang mali ang prosesong ito dahil personal na number ang kanyang ibinigay.

Ngayon, dumaan sa legal na proseso ang pag-alis ni Daisy sa nasabing talent agency.

Ayon sa kanya, naging silent reader siya sa mga "bad comments" ng mga tao matapos niyang pumirma sa talent agency.

Ganon pa man, nagpasalamat si Daisy sa Star Image Artist Management sa pagbubukas ng oportunidad para sa kaniya.

Larawan: Star Image Artist Management/FB

Matatandaan na nitong Agosto 13, pumirma si Daisy sa Star Image Artist Management na siya namang ikinagulat ng kaniyang taga-suporta.

Basahin: Queen Inutz, artista na!