Nagbabala ang National Task Force (NTF) for coronavirus disease (COVID-19) response laban sa mga indibidwal na magtatangkang tumanggap ng booster shots.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., vaccine czar and chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19, naglunsad na sila ng imbestigasyon ukol sa vaccine hopping sa ilang bahagi ng bansa, particular sa Metro Manila.

Secretary Carlito Galvez Jr. (File photo/ Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Paliwanang ni Galvez, ang vaccine hoppers ay ang mga indibidwal na nagparehistro sa ilang lugsod para makatanggap ng higit sa dalawang doses ng bakuna.

“Vaccine hopping is illegal and vaccine hoppers are immoral. Lahat ng bakuna ay itinuturing nating ginto at hindi ito basta-basta sinasayang dahil ang gusto natin lahat ng Pilipino ay mabakunahan,” sabi ni Galvez sa isang pahayag nitong Sabado, Agosto 14.

Naglabas ng pahayag ang vaccine czar matapos ianunsyo ng Quezon City government ang pagsampa ng kaso laban sa ilang nakatanggap ng booster shot sa lungsod.

Ayon sa local city government (LGU) ng Quezon City, isa samga suspek ay nakatanggap ng dalawang doses ng Sinovac sa Mandaluyong noong Mayo 10 at tumanggap pa ng Moderna sa Quezon City nitong nakaraang linggo.

Ibinunyag din ng Quezon City LGU na may residente umanong ibinahagi pa sa Facebook ang pagtanngap ng Pfizer bilang booster shot kahit na fully vaccinated ang suspek sa Sinovac.

Ang dalawang suspek ay kinasuhan sa paglabas ng Quezon City Ordinance No. SP-3032 series of 2021 o ang “An Ordinance Prohibiting COVID-19 Vaccine Fraud.”

Sa ilalim ng ordinansa na inaprubahan ni Mayor Joy Belmonte noong Hulyo 29, nabanggit sa Section 3 na ang lahat ng magpapanggap na hindi pa fully vaccinated para makatanggap ng dagdag na bakuna ay pagmumultahin ng P5,000 at maaaring makulong mula isa hanggang anim na buwan.

Kinastigo ni Galvez ang mga vaccine hoppers na inaagawan umano ng opurtunidad ang ilang indibidwal, lalo na ang mga geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

Galvez castigated vaccine hoppers whom he said are taking away the opportunity from other people, especially in geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDAs), to get an added layer of protection against COVID-19.

“Napakahirap na ‘yong mga kababayan nating nasa far-flung areas at mga nasa GIDAs ay hindi pa nagkakaroon ng first dose tapos sila may third dose or boosters na. Unahin muna natin ‘yong mga areas at mga tao na wala pang first dose,” sabi ni Galvez.

Pinag-iingat din ng vaccine czar ang mga awtoridad sa mga mega vaccination sites na siguruhin ang vaccination status ng mga indibidwal.

Martin Sadongdong