LEBANON – Umabot na sa 28 ang nasunog nang buhay at 79 ang naiulat na nasugatan matapos sumabog ang isang fuel tank na puno ng gasolina na ipinamamahagi sa mga residente sa Beirut nitong Linggo ng madaling araw.
Sa pahayag ni Health Minister Hamad Hassan, nakapila na ang mga residente at bitbit ang kanilang plastic container sa tabi ng tangke ng gasolina sa Al-Tleil, Akkar region nang bigla umanong may naghagis ng lighter hanggang sa tuluyang sumiklab ang lugar.
Nagtakbuhan ang mga residente matapos nilang makitang nasusunog ang kanilang mga kasamahan. Naiulat na 28 na kaagad ang nasawi sa insidente at 79 naman ang nasugatan matapos malapnosang kanilang katawan.
Sa report ng militar, ang nasabing fuel tank ay nakumpiska nila sa ikinasangsunud-sunod na pagsalakay sa gas stations sa lugar upang malansag ang hoarding o pagtatago ng produkto nito kasunod na rin ng desisyon ng central bank na ibasura ang subsidiya ng mga produktong petrolyo.
Kinumpirma naman ni Yassine Metlej, isa sa empleyado ng isang ospital sa Akkar, sunugna sunog ang mga bangkay nang marekober nila sa pinangyarihan ng pagsabog.
Kaagad namang iniutos ni President Michel Aoun ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
AFP