Umaabot na ngayon sa 627 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong Delta variant ng COVID-19 sa bansa, matapos na makapagtala pa ng panibagong 177 kaso hanggang nitong Huwebes, Agosto 12.

Ito ay batay sa resulta ng huling batch ng whole genome sequencing na isinagawa ng Department of Health (DOH), University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines - National Institutes of Health (UP-NIH). 

Nabatid na bukod naman sa naturang mga bagong kaso ng Delta (B.1.617.2) variant cases, nakapagtala rin sila ng bagong 102 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 59 Beta (B.1.351) variant cases, at 14 P.3 variant cases.

Sa karagdagang 177 Delta variant cases, nabatid na 144 ang local cases, tatlo ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 30 kaso ang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa 144 local cases naman, 90 ang mula sa National Capital Region,25 ang mula sa CALABARZON, 16 sa Cagayan Valley, walo sa Ilocos Region, dalawa sa Cordillera Administrative Region, dalawa sa Western Visayas, at isa sa Davao Region.

“This brings the total Delta variant cases to 627,” anang DOH.

Sa karagdagan namang 102 Alpha variant cases, 94 ang local cases at walo ang inaalam pa kung local o ROF cases.

“Based on the case line list, one case is still active while 101 cases have been tagged as recovered. This brings the total Alpha variant cases to 2,195,” anang DOH.

Sa karagdagan namang 59 Beta variant cases, nabatid na 53 ang local cases at anim ang inaalam pa kung local o ROF cases.

“Based on the case line list, one case is still active, 57 cases have been tagged as recovered, while one case has an outcome which is being verified. The total Beta variant cases are now at 2,421,” pahayag ng DOH.

Sa 14 karagdagang P.3 variant cases naman, natukoy na 13 ang local cases at isa ang biniberipika pa kung local o ROF case.

Base sa case line list, dalawa sa mga ito ang namatay na habang 12 naman ang nakarekober.

Samantala, ipinaliwanag ng DOH na ang epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na umiiral sa ilang lugar sa bansa, kabilang ang Metro Manila ay hindi kaagad na mararamdaman o magre-reflect sa case statistics.

Asahan na rin anila ang patuloy pang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit na maitatala sa mga susunod na araw.

“Nevertheless, everyone has a shared responsibility to help prevent the transmission of COVID-19 in our communities. Continuous actions are being done at all levels of government to provide adequate resources to swiftly detect, isolate, and treat cases and vaccinate more individuals. The DOH appeals to our kababayan to immediately isolate upon experiencing symptoms, adhere to isolation and quarantine protocols, and to follow minimum public health standards in all settings,” dagdag pa ng DOH.

Mary Ann Santiago