Kung ikaw ay mahilig maki-chika sa ganap sa buhay ng mga social media influencers, malamang ay kilala mo si Toni Fowler at ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng ex-jowa niyang si Rob Moya.

Sa vlog 175 na inilabas ni Toni na may pamagat na "NAGPASIKIP AKO NG EKUP KAY DOC YAPPY," ibinunyag niya ang pagsasailalim sa proseso ng 'Thermiva,' isang non-surgical procedure para sa 'labia and vaginal tightening and rejuvenation,' o sa mas kolokyal na salita, 'pagpapasikeps.'

Screenshot mula sa YT/Toni Fowler

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Screenshot mula sa YT/Toni Fowler

Kilala si Toni bilang kikay at open-minded kaya naisipan niyang muling ayusin ang sarili matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng ex-jowa na si Rob Moya. Nagpagupit siya ng maiksing buhok, pinaayos ang mga ngipin, pinadagdagan ang boobs, balakang pati na rin pagpapatangos ng ilong.

Kaya umano niya ginagawa ang bagay na ito ay dahil "anti-aging" ito ng kanyang pribadong parte.

"Ang dahilan kung bakit ako nagpapaganito dahil anti-aging ng p*pe. Anti-laylay," natatawang sabi niya.

Pero ang totoong dahilan umano nito, para 'ready to fight' umano siya sa bago niyang jowa at matagal ng kaibigang si 'Tito Vince.'

Noong una, ayaw pang isiwalat ni Toni ang dahilan ng break-up nila ni ex-jowa, pero sa udyok na rin ng kaniyang followers at kaibigan, ibinunyag niya na tinangayan siya umano nito ng pera na nakalaan sana para sa junakis niyang babae na si Tyronia.

3M umano ang pera sa bank account ni Tyronia na ipinagkatiwala ni Toni kay Rob, pero natuklasan na lamang niya na bawas na ito, at Php 200,000 na lamang ang natitirang pera na para sana sa kinabukasan ng bagets.

Larawan mula sa IG/Toni Fowler

Larawan mula sa IG/Toni Fowler

Meet the trending #ToRoFamily, Toni Fowler, Rob Moya, and Tyronia | GMA  Entertainment
Larawan mula sa IG/Toni Fowler

Bukod sa andabels, may mga sasakyan pa umanong kinuha ang ex-jowang ito ni Toni na ipinaubaya na lamang niya rito. At ito ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan. Nakisawsaw na nga ang sikat na programa ni Raffy Tulfo sa kanila; Ngunit sa huli, mas pinili ni Toni na magpaka-mother Earth na lang kay Tyronia at gumora na lamang sa buhay kasama ang junakis at mga kaibigan.

Sa programang 'Kapuso Mo Jessica Soho," sinabi ni Toni na walang dapat ikahiya sa kanyang ginawa.

"Yung physical appearance kasi ng private part ko, hindi na siya katulad ng dati. Kasi siyempre, nagkaanak na ako, may tao nang lumabas doon. Kaya naisipan kong subukan 'yung vaginal tightening treatment."

"Marami sigurong ibang kababaihan na gustong ipaayos 'yung hitsura ng private part nila at may malalalim silang mga dahilan. Kaya ko vin-log 'yung experience para sabihin sa mga tao na 'wag silang mahiya kung gusto nilang gawin ‘to kasi hindi naman kasalanan gawin 'to," dagdag niya.