April 16, 2026

Home BALITA National

Mga labi ng nasawing Pinay caregiver sa Israel, nauwi na sa bansa!

Mga labi ng nasawing Pinay caregiver sa Israel, nauwi na sa bansa!
Photo courtesy: DMW (FB)

Opisyal nang naiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Ann de Vera na nasawi sa missile attack sa Tel Aviv, Israel noong Pebrero 28, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Tinamaan ng shrapnel ng bomba!' Pinay caregiver sa Israel, namatay habang tinutulungan ang alaga

Ayon sa mga larawang inupload ng Department of Migrant Workers (DMW) sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Marso 14, 2026, makikita ang pagdating ng mga labi ni Mary Ann, kasama ang asawa niyang si Bernie Lavarias na kamakailang personal na nakipagkita kay Israeli President Isaac Herzog. 

“Siya ay naiuwi sa Maynila ngayong Marso 14, 2026 kasama ang kanyang asawa na si Bernie Lavarias, na kamakailan ay personal na kinita ni Israeli President Isaac Herzog para ipaabot ang pakikiramay sa kanilang pamilya,” mababasa sa simula ng captiong ng DMW. 

Photo courtesy: DMW (FB)

Photo courtesy: DMW (FB). 

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

Pagpapatuloy ng DMW, nagpaabot raw sila, ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ilang miyembro ng Kongreso ng pakikiramay at dasal para sa labi ni Mary Ann kasama bilang pagkilala sa kabayanihan ng huli. 

“Dasal, pakikiramay at buong suporta naman ang ipinahatid ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), H.E. Dana Kursh, at ilang miyembro ng Kongreso at kinatawan ng Senado na sumalubong sa labi ng OFW Mary Ann, bilang pagkilala sa kanyang katapangan at sakripisyo habang ginagampanan ang kanyang tungkulin,” anila. 

“Patuloy na nakatutok ang DMW at OWWA sa pagbibigay ng kinakailangang tulong at suporta sa pamilya ng nasawing OFW sa gitna ng kanilang pagdadalamhati,” pagtatapos nila. 

KAUGNAY NA BALITA: DMW, tiniyak agarang suporta, tulong sa naulila ng nasawing Pinay caregiver sa Israel

KAUGNAY NA BALITA: DSWD, may tulong-pinansyal sa pamilya ng nasawing Pinay caregiver sa Israel