Handa na ang mga Metro Manila mayors para sa pamamahagi ng enhanced community quarantine (ECQ) financial assistance na napagkasunduan nilang uumpisahan sa Miyerkules.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpasya ang mga local chief executive ng National Capital Region (NCR) na sisimulan ang payout ng cash aid sa parehong araw upang pare-pareho ang iskedyul ng mga lungsod.

“Napagkasunudan din ng mga mayors, para di rin macompare ang bawat city kasi ayaw naman natin isipin bakit dito nagsimula na, sa iba hindi, we tend to be united with regards to this thing na Wednesday is the best time to start,” ani Belmonte sa kanyang panayam sa ANC.

“Kasi lahat handa na by Wednesday,” dagdag pa niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kabilang sa paghahanda ng Metro mayors bago ang distribusyon, ang pagbuo ng mga grievance at monitoring committees, pagpupulong sa mga punong barangay ng lungsod, at pag-anunsyo ng mga pangalan na kwalipikadong tumanggap ng cash aid.

Ang kwalipikadong indibidwal ay makatatanggap ng P1,000 at maximum na P4,000 kada pamilya.

Joseph Pedrajas