Hindi lamang sa mga bata, nararanasan na sa lahat ng age groups ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ito ang pahayag ngDepartment of Health (DOH) nitong Lunes, Agosto 9.

Paliwanag ng DOH, mayroong 59 porsyentong pagtaas ng kaso sa lahat ng age group simula Hulyo 13-25 kumpara nitong Hulyo 26 hanggang Agosto 8.

Sa nasabing panahon, naitala ang pinakamataas na kaso sa edad 30 hanggang 39 taong gulang at ang pinakamababa naman ay nasa 80-anyos pataas.

“Naiintindihan po namin ang mga agam-agam at pangamba ng ating mga kababayan sa mga balitang lumalabas ngayon tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga bata. Ngunit dapat ay liwanagan natin na itong pagtaas ng kaso ay nararamdaman sa lahat ng grupo at hindi lang sa mga bata,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Nakatuon muna, aniya, sila pagbibigay ng bakuna sa mas nangangailangan dahil sa kakulangan ng suplay nito.

“Patuloy po ang aming panawagan sa mga eligible population groups na magpabakuna na.To all adults already eligible for vaccination, please register with your local government units for immediate vaccination while children are not yet being vaccinated.By vaccinating yourselves, you are also protecting the children as you will shield them from possible COVID-19 infection,” panawagan ni Vergeire.

Sa huling datos ng DOH nitong Agosto 8, umabot na sa 11.4 milyong indibidwal ang nabakunahan na ng gobyerno. 

Leslie Ann Aquino