JAPAN - Sugatan ang siyam na pasahero ng isang commuter train sa Tokyo nang saksakin ng isang 20-anyos na lalaki nitong Biyernes.

Hindi na muna isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na dinampot ng pulisya sa loob ng isang convenience store matapos aminin sa manager na siya ang responsable sa insidente.

Nangyari ang pananaksak sa siyam na pasahero, malapit sa Setagaya ward, malapit sa Seijogakuen Station na ilang kilometro lamang ang layo sa pinagdarausan ng 2020 Tokyo Olympics.

Narekoberng mga awtoridad ang isang kutsilyo at cellphone na pinaniniwalaang pag-aari ng suspek sa loob ng tren.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.

Agence-France-Presse