Pagkaraan ng dalawang impresibong first round win na naitala sa round of 16 at quarterfinals, tumiklop ang pambato ng bansa sa men's middleweight division para sa Tokyo Olympics boxing competition na si Eumir Marcial sa Kokugikan Arena, nitong Huwebes,Agosto 5.

Tumiklop ang nasa professional ranks na si Marcial sa top seed na si Olekzandr Khyzhniak ng Ukraine sa kanilang semifinal match kung kaya mag-uuwi na lamang ito ng bronze medal.

Gayunpaman, ang medalya ang ikalawa ng 4-man boxing contingent ng bansa sa Summer Games kasunod ng naunang napanalunang silver medal ni Nesthy Petecio sa women's featherweight class.

Bagamat nagtamo ng sugat sa ulo sa first round sanhi ng accidental headbutt, nakipagsabayan pa rin at nakipagpalitan ng malalakas na suntok si Marcial sa Ukrainian hanggang sa huli kung saan tatlong hurado ang pumabor dito at dalawa lamang sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkatalo sa pamamagitan ng split decision.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito na ang ikalawang pagkakataon na natalo si Marcial sa Ukrainian kasunod ng naging kabiguan nya dito sa 70th International Boxing Tournament Strandja 2019 na ginanap sa Bulgaria sa parehas ding 3-2 decision. 

Marivic Awitan