Bali-balita ang pagwo-walkout umano ni Ellen Adarna sa huling cycle ng season 2 lock-in taping ng sitcom na "John En Ellen" sa TV5, na ginanap sa isang resort sa Laiya, Batangas.

Ayon sa chika ng mga "Marites," totoong nangyari ito at nirendahan lamang ang staff at crew na huwag nang pag-usapan upang hindi kumalat.

Simula nang gawin ang lock-in taping noong Hunyo 20 ay hindi na raw umalis sa shooting place itong fiance niyang si Derek Ramsay, na kaibigan naman ng kaniyang leading man na si John Estrada.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Derek Ramsay, Ellen Adarna react to possible team-up of respective exes  Andrea Torres, John Lloyd Cruz – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Sa huling araw umano ng kanilang taping, sinabi ni Ellen na hanggang alas-dose ng tanghali lang siya umano maaaring magtrabaho, dahil uuwi na kaagad sila ni Derek. Ngunit hindi umano natapos ang shooting dahil naabutan ng lunchbreak, at syempre, kailangan namang lumafang ng production staff.

Aba'y pagpatak umano ng ala-una ng hapon, pack-up na ang lola mo, kinuha ang mga gamit, at iniwanan ang set. Gulat na gulat naman ang mga kasamahang artista at production staff sa ginawa niya, dahil hindi pa nga tapos kunan ang ilang mga eksena.

Ang nakawiwindang rito, hindi umano nagpaalam nang maayos si Ellen sa executive producer, supervising producer, direktor, at sa kanyang mga kasamahang artista naloka sa ginawa niya.

Bagama't itinanggi ito ni John Estrada at mismong fiance nito na si Derek, iba naman ang sinasabi ng komedyanteng si Long Mejia na kasama rin sa cast.

Ayon sa panayam niya sa PEP, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Ellen sa kanila. Unprofessional daw si Ellen. Ngayon lamang daw siya nakaengkuwentro ng isang artistang ni hindi pa ganoon kasikat, ay magagawang mambitin ng trabaho. Si Long ang nahihiya para sa kaniya, lalo't may mga kasama silang mga respetadong artista sa industriya, gaya na lamang ni Ronaldo Valdez.

Ellen Adarna to suitors: 'Give your best shot!' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Kung matatandaan, binitin din ni Ellen ang sitcom na 'Home Sweetie Home' sa ABS-CBN nang pareho silang mag-indefinite leave ni John Lloyd Cruz, at napabalita ang kanilang love affair.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag ang kampo ni Ellen hinggil sa isyung ito.