Bukod sa pagiging magaling na pole vaulter, isa rin sa mga “cutie” ng 2020 Tokyo Olympics si Ernest John Obiena o mas kilala bilang EJ Obiena—half Filipino, half Chinese.

Nag-aral sa Chinese school bago maging isang Electronics Engineering student sa University of Santo Tomas si EJ Obiena. Hawak niya ang Philippine National Record sa pole vault na 5.55 na metro noong 2016 sa 78th Singapore Open Championships na ginanap sa Kallang, Singapore. 

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Larawan mula sa Instagram ni EJ Obiena

Noong 2017, hindi siya nakasali sa SEA games dahil sa kanyang ACL injury na naging sanhi para siya ay sumailalim sa isang knee surgery.

Binawi naman niya ito noong 2019 sa Asian Athletics Championship na nakuha niya ang 5.71 na metro, na ginanap sa Doha, Qatar, na kung saan hinigitan niya ang record niya noong 2016.

Si EJ din ang unang Pilipinong atletang nakapasok sa 2020 Tokyo Olympics noong 2019.

Ngayong taon, pasok siya sa finals ng men’s pole vault sa 2020 Tokyo Olympics. Gaganapin naman sa Agosto 3 ang finals at ito ang pagkakataon na masungkit muli ng Pilipinas ang isa pang gintong medalya.

Larawan mula sa Instagram ni EJ Obiena

Good luck, EJ cutie!