May bagong bayani (heroine) ngayon at dangal ng lahi ang Pilipinas sa katauhan ni Hidilyn Diaz na nagtamo ng makasaysayang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Ito ang kauna-unahan sa nakaraang 97 taon na ang bansa natin ay nagtamo ng gold medal sa paligsahang nilalahukan ng pinakamamagaling na atleta ng maraming bansa sa mundo.

Ang tagumpay ni Hidilyn sa weightlifting division (55 kilograms) ay parang "sariwang hangin" sa Pilipinas na nakaharap sa maraming problema: Covid-19 pandemic, pagkawala ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino, kahirapan at gutom, libu-libong suspected drug users na pumanaw sa pamamagitan umano ng extra-judicial killings (EJK), pag-okupa ng dambuhalang bansa sa West Philippine Sea, at panghaharang sa mga mangingisdang Pinoy sa Panatag Shoal na tradisyunal nilang pangisdaan mula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno.

Nasapawan ng panalo ni Hidilyn maging ang huling SONA na Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na halos tumagal ng tatlong oras. Parang hindi pinansin ng mga tao at maging ng media ang 2 oras at 45 minutong SONA dahil nasabay sa panalo ni Hidilyn.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Itinuturing ngayon si Hidilyn na isang heroine. Maitutulad siya sa mga bayaning Pilipina, gaya nina Gabriel Silang, Trinidad Tecson, Teodora Alonzo-Rizal, at iba pang mga Pinay na nagkaloob ng mahalagang ambag para sa kalayaan at demokrasya ng bansa.

Maging si PRRD ay sumaludo kay Hidilyn na noong una ay nalagay ang pangalan sa drug watchlist o matrix ng Palasyo na umano'y naglalayong pabagsakin ang Pangulo. Humingi na rin ng apology si presidential legal counsel na nagprisinta noon sa media ng watch list. Kasama ni Hidilyan sa matrix ang isa pang kilalang atleta, si Gretchen Ho.

***

Mga kababayan, ilalagay na muli ang Metro Manila sa kategoryang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20 sa gitna ng banta ng mas nakakahawa at mapanganib na Delta coronavirus variant.

Sinabi ng Malacañang na inaprubahan noong Biyernes ni Pres. Rody ang rekomendasyon ng IATF na isailalim sa NCR sa pinaka-istriktong kalagayan upang maiwasan ang pagsisikip ng mga ospital sa dami ng delta variant patients.

“Masakit na desisyon po ito dahil alam nating mahirap ang ECQ, pero kinakailangang gawin po ito para maiwasan ‘yong kakulangan ng ating mga ICU beds at iba pang hospital requirements kung lolobo po talaga ang kaso dahil po sa Delta variant,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

Bert de Guzman