Pinasalamatan ni Senate President Vicente Sotto III si Pangulong Duterte matapos ilarawang “capable” na maging susunod na bise presidente ng Pilipinas ngayong Lunes, Hulyo 26.

“I am humbled by the words of the President. I thank him profusely for mentioning me,” ayon kay Sotto sa isang text message sa mga reporters.

Sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Duterte na “capable” si Sotto na maging bise presidente.

“He can become a a good vice president,” Ani Duterte “He is a capable man, a good man.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinumpirma ni Sotto ang kanyang plano sa pagtakbo bilang bise presidente sa 2022, kasama si Senator Panfilo “Ping” Lacson” na tatakbo bilang presidente.

Subalit ayon kay Duterte, seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo bilang bise presidente para maiwasan ang lawsuit ng kanyang mga kritiko kapag natapos ang termino niya sa susunod na taon.

Sinabi ni Sotto na si Duterte ay magiging “formidable” na kakumpitensya para sa karera ng pagka-bise presidente.

Vanne Ellaine Terrazola