Holding hands to yakap real quick!

Sa unang pagkakataon, nagbahagi ang aktor na si Dominic Roque ng isang sweet photo niya kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account.

Bagamat isa itong group photo, kapasin-pansin ang pagkakayakap ni Bea kay Dominic, habang hawak naman ng aktor ang kamay ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

IG Photo

“Yosemite crew. #TsongWorldwide,” caption ni Dominic.

Kuha ang photo sa recent camping trip nila.

Siyempre, mabilis na inulan ang comment section ng messages mula sa kanilang shippers.

Bago ito, laman din si Bea at Dominic ng kanilang IG stories.

At nangyari ang lahat ng ito matapos mag-viral ang kanilang romantic photo nitong kaarawan ni Dominic.