Usap-usapan ng mga netizen ang pa-"Fill in the Blanks" ng aktor at TV host na si Edu Manzano na may kinalaman sa pagkakapako sa krus ni Hesus, na makikita sa kaniyang Facebook post noong Biyernes Santo, Abril 3.
Nag-quote pa si Edu ng Bible verses mula sa Luke 23:32-55.
Aniya, "Ipinako si Hesus Kristo sa krus kasama ang dalawang mag _ _ _ _ _ _ _."
"Fill in the blanks."
Dagdag pa niya, "Dalawang tao. Isang problema. Guess who pays? Tayong lahat."
Photo courtesy: Screenshot from Edu Manzano/FB
Kalakip ng post niya ang magkatabing sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at Leyte 1st District at dating House Speaker Martin Romualdez.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Ung isa Ng repent Yung isa Wala. Parang mag katugma ah."
"hugas-kamay"
"walang nakulong"
"magna... alam na haha, kayo na magdugtong"
"magpinsan?"
"sapul!"
Kamakailan lang, binanatan din ni Manzano si Romualdez tungkol sa kalagayan ng bansa.
Maki-Balita: Edu sa 'unite, heal as a nation' ni Romualdez: 'May tama ka ba? Isa ka nga sa dahilan bakit tayo nagkakaganito!'
Matatandaang idinawit ni Co sina Romualdez at pinsan niyang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa isyu ng kickback na male-maletang pera sa 2025 national budget insertions.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natitiklo si Co na sinasabing nagtatago sa bansang Portugal.