Nag-iwan ng mensahe para sa Sabado De Gloria o Black Saturday si Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, na pinamagatan niyang "Sa Gitna ng Katahimikan at Paghihintay."
Mababasa sa kaniyang Facebook post nitong Abril 4 ang pagninilay niya tungkol sa Sabado De Gloria, o para sa Semana Santa, araw kung kailan nailibing na ang bangkay ni Hesus.
"Ang Sabado de Gloria ay ang tradisyon ng paghihintay nang may pananampalataya," aniya.
"Kahit tila balot ng dilim ang paligid, alam nating ang liwanag ay paparating na. Sa katahimikan ng araw na ito, patatagin natin ang ating loob at magtiwala sa pangako ng muling pagkabuhay," saad pa ng mambabatas.
"Manatili tayong matatag sa ating pananalig sa gitna ng paghihintay," pagwawakas niya.
Naging usap-usapan dina ng naging mensahe niya noong Huwebes Santo para naman sa paglilingkod at pagpapakumbaba sa kapwa.
Maki-Balita: Rep. Romualdez, ibinahagi 'aral ng paglilingkod at pagmamahal' para sa Huwebes Santo