Nahuli sa akto ang isang lalaking kumukulimbat ng kable ng traffic light sa Quezon City sa kasagsagan ng paggunita sa Biyernes Santo noong Abril 3.
Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang suspek ay namataan ng isang site roadwork engineer na bitbit ang kable, na mula sa bahagi ng E. Rodriguez–Araneta intersection sa Quezon City.
Ang insidente ay agad namang ipinagbigay-alam sa MMDA Traffic Engineering Center upang makapagsampa ng karampatang reklamo.
Habang isinusulat ang ulat na ito, ang suspek ay nasa kustodiya ng Galas Police Station 11 para sa karagdagang imbestigasyon.