BACOOR CITY - Isinailalim na sa lockdown ang dalawang subdvision sa lungsod matapos magpositibo sa Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant ang dalawang residente sa lugar.
Iniutos sa mga residente ng BF EI Grande Subdivision sa Barangay Molino VI at Addas 2C sa Brgy. Molino II na manatili muna sa kanilang bahay sa loob ng tatlong araw mula Hulyo 24 hanggang Hulyo 26.
Inatasan din ng city government ang Philippine National Police sa Bacoor na maglagay ng mga checkpoint sa mga pasukan ng dalawang subdivision upang matiyak na walang makaaalis at makapapasok sa lugar sa loob ng nasabing panahon.
Pangangasiwaan naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi relief goods sa mga pamilyang apektado ng lockdown.
Tutulong din ang mga opisyal ng barangay at home owner association sa pagbili ng iba pang pangangailangan ng mga residente. Paglilinaw pa ng pamahalaang lungsod, dinala na sa isolation facility ang dalawang pasyente, kabilang ang nakasalamuha ng mga ito.
Carla Bauto Deña at Beth Camia