April 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Crime of Passion? Si Jayson Zoleta, binaril ng ex-jowa habang nakatalikod siya

Crime of Passion? Si Jayson Zoleta, binaril ng ex-jowa habang nakatalikod siya
Photo courtesy: Jayson Zoleta (FB)/Screenshot from GMA Public Affairs (FB)

Nananawagan ng hustisya hindi lamang ang mga kapamilya, kaanak, kaibigan, at kakilala kundi maging ang followers at netizens dahil sa malagim na pagpaslang kay Jayson Zoleta, 24-anyos, isang empleyado ng tindahan ng mga damit sa isang mall sa Lucena City, na naganap noong Marso 5, 2026.

Bukod sa pagiging staff ng isang clothing shop, si Zoleta ay isa ring digital creator batay sa mababasa sa kaniyang Facebook account. May 23,000 followers siya.

Bago maganap ang krimen, nakapag-share pa siya ng isang "hugot post" patungkol sa pagkapagod sa trabaho, 8:49 ng umaga ng Huwebes, Marso 5. 

Batay sa mga ulat, 11:00 ng umaga naganap ang pagpaslang sa kaniya sa tindahan. 

Nauna nang naibalita ang pagpatay kay Zoleta ng isang lalaking suspek sa pamamagitan ng pagbaril sa kaniya habang nakatalikod siya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga kadalasang dahilan ng aksidente sa daan at tips para sa kaligtasan sa pagbiyahe

Ang suspek ay sinasabing dati niyang karelasyon, at sinasabing ang puno't dulo ng pagpaslang kay Zoleta ay dahil sa selos.

Naka-tag sa Facebook account ng suspek na may pangalang "Datu Gulf" na kinukuyog ng mga netizen sa comment section ng posts niya dahil sa nangyari.

Batay sa panayam ng iba't ibang news outlets sa mga kaanak ng biktima, isang buwan na ang nakalipas simula nang maghiwalay sina Zoleta at ang ex-boyfriend niya.

Selos daw ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Nang araw na naganap ang krimen, tinawagan daw ng suspek si Zoleta at sinabing magkita sila sa tindahan kung saan nagtatrabaho ang biktima.

Batay sa CCTV footage ng shop, makikitang tila nag-uusap ang dalawa sa loob habang nagtitingin-tingin pa ng mga paninda.

Makikitang tila balisa at palakad-lakad ang suspek habang nasa loob ng shop.

Maya-maya, malapitang pinaputukan na sa ulo ng suspek ang biktima habang nakatalikod siya, gamit ang inilabas na baril mula sa bulsa, at humandusay na ang huli sa sahig.

Isang lalaking nakaupo naman sa labas ang nakiusyuso at inalam kung ano ang nangyayari. Kinausap pa siya ng suspek at tila inutusan pang ibaba ang roll-up o tabing ng tindahang pinangyarihan ng insidente.

Binawian ng buhay ang biktima dahil sa nangyari.

Bumaha naman ng "Justice for Jayson Zoleta" sa social media at online world dahil sa naganap na krimen.

Hula ng mga netizen, maaaring "crime of passion" umano ang nangyari o may kinalaman pa rin sa mga isyu nila sa nagdaang relasyon.

Habang isinusulat ang artikulong ito, tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril.