April 13, 2026

Home BALITA National

Mga manlolokong drayber, sasampahan ng kasong kriminal

Mga manlolokong drayber, sasampahan ng kasong kriminal
Photo courtesy: MB

Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga drayber ng pampublikong sasakyan hinggil sa pangingikil at pananamantala sa mga lokal at banyagang pasahero sa kasagsagan ng pagtataas ng presyong petrolyo bunsod ng nagaganap na sigalot sa Middle East. 

Base sa pahayag ng DOTr nitong Lunes, Marso 9, napagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang kamakailang nag-viral na ulat sa Taiwan kung saan isang Taiwanese ang umano’y siningil ng ₱9,600 ng isang taxi drayber mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa halip na ₱500 lamang patungo sa destinasyon nito sa Maynila. 

Dahil dito, ipinag-utos ng DOTr sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang paghuli sa sinumang drayber na nanloloko at nanamantala sa mga pasahero. 

Kasama rin dito ang pagsuspinde o pagkansela ng prangkisa ng transport operators nito at pagsampa ng kasong kriminal sa mga mahuhuling mapagsamantalang drayber. 

Sean Antonio/BALITA

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!