April 13, 2026

Home BALITA National

De Lima, sang-ayon kay Trillanes na Duterte camp nasa likod ng 18 ex-marines!

De Lima, sang-ayon kay Trillanes na Duterte camp nasa likod ng 18 ex-marines!
Photo courtesy: File Photo

Sinang-ayunan ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang naging pahayag ng dating senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV na kampo raw ng mga Duterte ang nasa likod ng paglitaw sa publiko ng 18 na nagpakikilang mga dating miyembro ng Philippine Marine. 

Matatandaang kasing isiniwalat sa publiko ni Trillanes noon na nakakuha raw sila ng impormasyon na galing umano sa kampo ng mga Duterte ang nagpondo at nag-organisa ng isinagawang press conference nina Atty. Levito “Levi” Baligod at 18 ex-marines.

“We’re getting information right now na galing sa Duterte camp ‘yong nag-finance, nag-organize nito, itong mga front, syempre si Baligod ‘yong gustong umeksena diyan,” ani Trillanes sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN News noong Pebrero 26, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Duterte camp, nasa likod ng presscon ng 18 ex-marines, Baligod!—Trillanes

Ayon naman sa naging pahayag ni De Lima habang nasa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Marso 9, 2026, sinabi niyang “plausible” o makatwiran daw ang inihayag ni Trillanes tungkol sa Duterte camp. 

National

Palasyo sa nambabatikos kay PBBM: ‘Puro tayo pintas, pero walang nagagawang solusyon!’

“Sa tingin ko po… that’s very plausible explanation,” pagsisimula niya, “That is a plausible basis na sasabihing galing sa Duterte camp.” 

Ani De Lima, “timing” o nagkataon daw kasi na isinagawa noon ang deliberation ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte at ang pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa confirmation of charges ng mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kasi nga ‘yong timing, impeachment and then ‘yong sa ICC. So, sino ang makikinabang, sila,” aniya. 

Pagpapatuloy ni De Lima, gusto umanong ilihis ng Duterte camp ang atensyon ng publiko tungkol sa mga usaping kinasasangkutan nila kaya lumitaw ang 18 ex-marines. 

“As I said, gusto [nilang] ilihis ang atensyon ng taumbayan doon sa mga isyung kinakasangkutan nila,” diin niya. 

“So it could only be coming from the Duterte camp,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. De Lima, Fr. Flavie Villanueva nagsampa ng kaso sa NBI vs 18 ex-marines!

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!

Mc Vincent Mirabuna/Balita